The “Prayer for the Provincial Convention” is to be prayed after the intercessions at the Liturgy of the Hours. The prayer was adapted from “Prayer for the Year of the Parish”.
PRAYER FOR
THE PROVINCIAL CONVENTION
Loving God, you gather
us as a people of the new covenant sealed with the blood of your beloved Son,
our Lord Jesus Christ. You formed us
into a community of faith, hope and love; a priestly, prophetic and kingly
people.
Humbly we ask you,
make our Order of Carmel truly a communion of communities; a worshiping
community, a witnessing and an evangelizing community, and a servant community.
Guide our prior
provincial, provincial delegate and lay leaders, and all those who labor for
the Order, with your wisdom and love.
Bless all the
Tertiaries who compose the Third Order and the local communities, as they offer
their time, talents and treasures as stewards of the graces you gifted us, for
the building up of your Church.
May the Holy Spirit
enlighten, inspire and invigorate us to actively participate in the mission you
entrusted to us in the Order of Carmel. May we continue to be a discerning
community, reading the signs of the times and interpreting them in the light of
the Gospel.
May we truly become
the leaven in society by penetrating all its strata with the Gospel and
restoring its order according to the values of the Kingdom.
And may the spirit of
collaboration and co-responsibility bring us into a fuller and fruitful
communion with you and with one another.
We ask this through
Christ, our Lord. Amen.
Our Lady of Mount
Carmel, pray for us.
St. Elijah, pray for
us.
St. Mary Magdalene de
Pazzi, pray for us
St. George Preca, pray
for us
Blessed Titus
Brandsma, pray for us
Blessed Josefa Naval
Girbes, pray for us
PANALANGIN
PARA SA PROBINSYAL NA PAGTITIPON
Mapagmahal na Diyos,
tinipon Mo kami bilang sambayanan ng bagong tipan na tinubos ng dugo ng iyong
mahal na Anak, ang aming Panginoong Hesukristo. Binuo mo kami bilang sambayanan
ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig; isang sambayanan na naglilingkod
bilang pari, propeta at hari.
Buong pagpapakumbabang
sumasamo kami, gawin Mong ang aming Orden ng Karmelo ay tunay na pinagka-isang
sambayanan; isang Sambayanang sumasamba, nagpapatotoo, at nagpapahayag, at isang
Sambayanang naglilingkod.
Gabayan Mo ng iyong
karunungan at pag-ibig ang aming prior provincial, provincial delegate at mga
laykong lingkod at lahat ng gumaganap sa Orden.
Bendisyunan mo ang
lahat ng laikong Karmelita na bumubuo sa Orden Tercera at local na komunidad na
nag-aalay ng kanilang panahon, talino at yaman bilang tagapamahala ng mga
biyayang ibinigay Mo sa amin sa pagbuo namin ng iyong Simbahan.
Nawa ay liwanagan,
pag-alabin at pasiglahin kami ng Banal na Espiritu upang aktibong makilahok sa
misyon na ipinagkatiwala mo sa amin sa
Orden. Nawa ay patuloy kaming maging maalam na pamayanan, nakikita ang tanda ng
panahon at binibigyan kahulugan ito sa liwanag ng Ebanghelyo.
Maging tunay nawa
kaming lebadura ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa
lahat ng antas ng lipunan at pagpapanumbalik ng kaayusan alinsunod sa kahalagahan ng Kaharian mo. At nawa ang
diwa ng pakikipag-ugnayan at pagiging kabalikat sa pananagutan ay maghatid sa amin
sa isang ganap at mabungang pakikipagka-isa sa Iyo at sa bawat isa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen
Mahal na Birhen ng
Karmelo, ipanalangin mo kami
San Elias, ipanalangin
mo kami
Santa Maria Magdalena
de Pazzi, ipanalangin mo kami
San George Preca, ipanalangin
mo kami
Beato Tito Brandsma,
ipanalangin mo kami
Beata
Josefa Naval Girbes, ipanalangin mo kami