Sunday, March 05, 2017

Prayer for the 13th TOC Provincial Convention




The “Prayer for the Provincial Convention” is to be prayed after the intercessions at the Liturgy of the Hours. The prayer was adapted from “Prayer for the Year of the Parish”.

PRAYER FOR THE PROVINCIAL CONVENTION 

Loving God, you gather us as a people of the new covenant sealed with the blood of your beloved Son, our Lord Jesus Christ.  You formed us into a community of faith, hope and love; a priestly, prophetic and kingly people. 

Humbly we ask you, make our Order of Carmel truly a communion of communities; a worshiping community, a witnessing and an evangelizing community, and a servant community. 

Guide our prior provincial, provincial delegate and lay leaders, and all those who labor for the Order, with your wisdom and love. 

Bless all the Tertiaries who compose the Third Order and the local communities, as they offer their time, talents and treasures as stewards of the graces you gifted us, for the building up of your Church. 

May the Holy Spirit enlighten, inspire and invigorate us to actively participate in the mission you entrusted to us in the Order of Carmel. May we continue to be a discerning community, reading the signs of the times and interpreting them in the light of the Gospel. 

May we truly become the leaven in society by penetrating all its strata with the Gospel and restoring its order according to the values of the Kingdom. 

And may the spirit of collaboration and co-responsibility bring us into a fuller and fruitful communion with you and with one another. 

We ask this through Christ, our Lord. Amen. 

Our Lady of Mount Carmel, pray for us.
St. Elijah, pray for us.
St. Mary Magdalene de Pazzi, pray for us
St. George Preca, pray for us
Blessed Titus Brandsma, pray for us
Blessed Josefa Naval Girbes, pray for us
 

PANALANGIN PARA SA PROBINSYAL NA PAGTITIPON 

Mapagmahal na Diyos, tinipon Mo kami bilang sambayanan ng bagong tipan na tinubos ng dugo ng iyong mahal na Anak, ang aming Panginoong Hesukristo. Binuo mo kami bilang sambayanan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig; isang sambayanan na naglilingkod bilang pari, propeta at hari. 

Buong pagpapakumbabang sumasamo kami, gawin Mong ang aming Orden ng Karmelo ay tunay na pinagka-isang sambayanan; isang Sambayanang sumasamba, nagpapatotoo, at nagpapahayag, at isang Sambayanang  naglilingkod.   

Gabayan Mo ng iyong karunungan at pag-ibig ang aming prior provincial, provincial delegate at mga laykong lingkod at lahat ng gumaganap sa Orden. 

Bendisyunan mo ang lahat ng laikong Karmelita na bumubuo sa Orden Tercera at local na komunidad na nag-aalay ng kanilang panahon, talino at yaman bilang tagapamahala ng mga biyayang ibinigay Mo sa amin sa pagbuo namin ng iyong Simbahan. 

Nawa ay liwanagan, pag-alabin at pasiglahin kami ng Banal na Espiritu upang aktibong makilahok sa misyon na ipinagkatiwala  mo sa amin sa Orden. Nawa ay patuloy kaming maging maalam na pamayanan, nakikita ang tanda ng panahon at binibigyan kahulugan ito sa liwanag ng Ebanghelyo. 

Maging tunay nawa kaming lebadura ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lahat ng antas ng lipunan at pagpapanumbalik ng kaayusan alinsunod  sa kahalagahan ng Kaharian mo. At nawa ang diwa ng pakikipag-ugnayan at pagiging kabalikat sa pananagutan ay maghatid sa amin sa isang ganap at mabungang pakikipagka-isa sa Iyo at sa bawat isa. 

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen
 

Mahal na Birhen ng Karmelo, ipanalangin mo kami
San Elias, ipanalangin mo kami
Santa Maria Magdalena de Pazzi, ipanalangin mo kami
San George Preca, ipanalangin mo kami
Beato Tito Brandsma, ipanalangin mo kami
Beata Josefa Naval Girbes, ipanalangin mo kami


No comments: