Tuesday, March 27, 2018

Isang Pagninilay sa Poong Mahal

Source: YouTube

Sa gitna ng ingay nakita Kita
Duguan at pagod sa pagpapasan ng dala.
Ako ma’y banyaga, nakaramdam ng awa.
Sa kalupitang dinanas mo sa kamay ng mga may gawa.

(Source: Passion of the Christ movie)

 Nawala sa paningin ko ang imahe ng Iyong pagdurusa
Naiwan naman ang bakas ng pawis at dugo sa natuyong lupa
Sinunod ko ang kalbaryo ngunit makipot ang daang ito
Natatanging lungkot at pighati nasa puso ko.


Sino Ka at ako ay binihag Mo?
Sino ako para ako’s tawagin Mo?
Isang Hentil anupama’t wala sa lahi mo
Ngunit natali sa mga titig Mo.

Christ on the Cross by Joachim Beuckelaer

Sa tuktok ng Golgota sa ilalim ng araw
Tila naghihintay ang mga taong nakatayo sa malayo
Hindi ko maisip, di ko matanggap
Sa gitna ng ingay, tahimik Kang nakabitin, tila nagdadasal sa nagaganap.



Ang titig mo ang nangungusap ng pagibig na wagas
At sa paanan mo ang dalawang Mariang nagluluksa
Tila di batid ang gulong kabila—
Lait at poot sa mga nakapakong may sala.


Lumapit ako sa mga babaeng nagluluksa
Di upang makiramay ngunit para umusisa
Ikaw na nasa bingit ng kamatayan ay—
Magaganap ang utos ng matagal ng hinintay.


Source: YouTube

Sa isang sandal Ika’y lumingon sa ‘kin
Bumukas sa isip ko ang  propesiyang magaganap
Hindi sila, kung KAMI ang Iyong sinagip
Na sa kamatayan Mo lamang na matutupad.

Christ of St. John of the Cross by Salvador Dali

Isang malalim na buntong hininga at Ika’y napayuko
Sa kabila ng kadiliman sa puso ng lahat.
Bumukas ang telon ng langit sa mga taong marangal
Kami’y Iyong niligtas, Poong Mahal!

No comments: