Sunday, July 02, 2006

ISANG PAGBABALIK-TANAW
By Rose Perol, TOCarm



Ang Regina Décor Carmeli TOCC ng Parokya ng Nuestra Senora del Carmen ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo noong Marso 19, 2006. Ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ng kanilang kura-paroko, Fr. Elmer Ignacio.

Sa loob ng isang taon ay maraming pagsubok ang ipinadama sa amin para mapatunayan kung kami ay karapat-dapat mabilang sa TOC. Isa na rito ang maraming lesson na dapat basahin at intindihing mabuti dahil gagawan ito ng pagninilay. Dagdag pa rin ang maghapong meeting at formation tuwing unang sabado ng buwan at ang pagdarasal ng Liturhiya ng mga Oras.

Mahirap ngunit napakasarap lalo na ng maranasan naming ang tatlong araw na retreat sa Notre dame de Vie Retreat House noong Nobyembre 2005. Hindi matumbasan ang kasiyahang naramdaman naming sa retreat na ito. At noon ding Mayo 6, 2006 ay nagkaroon kami ng Recollection at Day of Discernment para sa paghahanda sa nalalapit na pagtanggap sa amin sa Orden ng Carmelo.

The new novices from Regina Decor Carmelit TOCC, Pulong Buhangin, Bulacan during the fraternal visit, June 3, 2006




Buong husay na tinalakay ni Fr. Pol Evangelista, parochial vicar, ang kahulugan at prinsipyo ng "Discernment". Tunay na nabuksan ang aming kaisipan tungkol sa TOC. Naging mabisa, mabunga, at makahulugan ang Recollection na ito para sa aming lahat na nagsisimula pa lamang sa aming paglalakbay patungo sa bundok ng Carmelo.


Sa nasabi ring petsa ay para kaming sumuot sa butas ng karayom sa one-on-one interview sa pagitan ng aming prioress, Violeta Cruz, at Ruel Santos, aming formator. Salamat sa Diyos at naging maayos ang lahat. Matapos tanggapin ang kumpirmasyon mula sa National Council ay aming hinihintay ang araw na kami ay tatanggapin sa Orden ng Mahal na Birhen ng Carmelo at ito ay sa Hunyo 12, 2006 – araw ng kalayaan at kapistahan ni Beato Hilario Januszewski.

No comments: