Mayo 8-10, 2006
Nagsama-sama ang mga komunidad ng TOC ng Malolos, Barasoain, Calumpit, Guiguinto, at Hagonoy sa kanilang taunang retreat.
Ito ay ginanap sa Notre Dame de Vie Retreat House sa Novaliches. Ang paksa sa nasabing retreat ay "Understanding Carmelite Charism II: The Rule of Saint Albert" na may pagninilay tungkol sa mga pangako ng isang Karmelita (obedience, chastity, and spiritual poverty) at tungkol sa mga katangian ng isang leader. Ito ay pinangunahan ni Fr. Domingo Salonga, Regional Spiritual Director.
Mayo 27, 2006 at Hunyo 3, 2006
Ginanap ang taunang fraternal visit ng National Council sa Bulacan. Nagbigay ng pag-uulat ang bawat prioress ng komunidad tungkol sa katayuan ng bawat TOC community at ang kanilang mga gampanin.
L-R: Ruel, Nimfa, Fr. Pete and Joe during the Calumpit-Hagonoy combined fraternal visit, May 27 (A.M.)
Joe explaining the new procedure for application and preliminary evaluation of candidates for Reception and Profession.
Local heads of the Calumpit and Hagonoy Communities
Pagkatapos ng pag-uulat ay ipinaliwanag ni Bro. Joe ang tungkol sa bagong paraan ng pagsusuri sa mga taong tatanggapin sa Orden at sa mga magbibigay ng profession sa TOC. Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Sis. Nimfa kung paano mag-ministry ng YCPF, Scapular Confraternity at tungkol sa International Convention na gaganapin sa Setyembre 2006.
TOC Community of Malolos (Cathedral and Barasoain) during the fraternal visit on May 27, 2006 (P.M.)
A glimpse of the Guiguinto TOC Community during the fraternal visit, June 3, 2006 (P.M.)
The National Officers listening to the report from the local Prioress of Sta. Maria, bulacan Community, June 3, 2006 (A.M.)
Hunyo 12, 2006
Tinanggap sa Orden ng Carmelo ang mga postulante ng Regina Décor Carmeli TOCC, Pulong Buhangin, Sta. Maria at ng Holy Family TOCC, Guiguinto. Isang misa konselebrasyon ang ginanap sa parokya ng Nuestra Senora del Carmen na pinangunahan ni Fr. Domingo Salonga, Regional Spiritual Diresctor, at Fr. Elmer Ignacio, kura paroko. Ang mga postulanteng tinanggap sa Orden ay sina Cristina Mauricio, Josefina Santos, Lucita Villanueva, Estelita Libiran, Luzviminda de Silva, Adelina Pilapil, Rose Perol, at Boy de Silva ng Pulong Buhangin at Crisanta Flores ng Guiguinto.
Pagkatapos ng misa ay tumuloy sa parish hall para ganapin ang Regional Assembly. Dito ay tinalakay ang "Carmelite Identity in the Rule of Saint Albert" sa kadahilanan na sa susunod na taon ay ipagdiriwang ang ikawalong sentenaryo ng Carmelite Rule. Pinasimulan din ang "Pondo ng Karmelo" na ibinatay sa diwa ng "Pondo ng Pinoy" para makalikom ng karampatang pondo para sa nalalapit na national convention na gaganapin sa 2008 sa Bulacan. Ito ay para rin makapagbigay ng kaunting tulong sa National Fund.
Pinagtibay din sa nasabing pagtitipon ang pangalan ng rehiyon. Ang rehiyon ng Bulacan ay itinalaga kay San Jose bilang patron nito at tinawag na "Lay Carmelite Region of Saint Joseph." Pinili si San Jose sa kadahilanan na sa tuwing magtatag ng monasterio si Sta. Teresa ng Avila ay lagi siyang may kasa-kasamang imahen ng santong ito. Panatag niyang iniiwan ang bagong tatag sa pangangalaga ni San Jose dahil alam niya na ito ay lalago at mamumunga sa pangangalaga ng esposo ni Maria.
No comments:
Post a Comment